Sa isang sandali na baka hindi na maulit

Sa isang sandali na sobrang kay iksi

Bawat tunog ng segundo ay mahalaga

Pintig ng puso ko ay puro kaba.

 

Sa isang pambihirang pagkakataon

Na sana sa iyong alaala ay maipabaon

Ang isang mensaheng mula sa puso ko

Sana madama mo sa higpit ng mga yakap ko.

 

Ang makapiling ka sa bawat pintig ng segundo

Kung alam mo lang, damdamin ko’y nagsusumamo

Pwede bang dugtungan pa ang nalalabing panahon

Upang ito’y hindi maging huling pagkakataon?

 

Huling yakap, huling pag-uugnay

Patak ng luha ko ay walang humpay

Bukas, makalawa ay wala ka na

Hanggang dito na nga lang, heto na.

 

Bakit kay igsi ng panahon para sa huling yakap

Ikulong man kitang pilit sa aking mga yakap

Alam kong kusa din akong bibitaw

Sadyang ito na ang huli nating pagkaulayaw.

 

At sa bawat hakbang mong di ko mapigilan

Sa pagkatayo, ako’y nakapakong luhaan

Hanggang dito na nga lang ba ang panahon

At ang ating huling yakap, habambuhay na pabaon.

 

  

Ginawa ng bandang 2:00 ng madaling araw – July 23, 2007, pagkatapos ng 2nd episode ng “Foxy Lady”. Biglang feeling senti at nostalgic kuno.  Walang kokontra!!! haha